NEW VOLTES V 2021 IN 3D

Channel:
Subscribers:
12
Published on ● Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=IMZS_hzlkIM



Duration: 4:10
65 views
0


VOLTES V ANIMATION 3D
THE POPULAR ANIME ROBOT IN JAPAN VOLTES V ON GMA 7 ALL CAST

Steve Armstrong - Miguel Tanfelix
Mark Gordon - Radson Flores
Big Bert Armstrong - Matt Lozano
Little John Armstrong - Raphael Landicho
Jamie Robinson - Ysabel Ortega

Sa isang panahon sa hinaharap, sinakop ang Daigdig ng isang hukbo ng mga mukhang-taong may-sungay na dayuhang mula sa kalawakan na kilala bilang mga Boazanian na pangunahing kinakalaban ang bansang Hapon.

Kung hindi dahil sa nataong paggawa sa huling pang-depensang robot, ang Voltes-V, nawasak sana ng tuluyan ang bansang Hapon. Sang-ayon sa kuwento, nilikha si Voltes V ng isang koponan na kabilang sina Dr. Ned Armstrong, Dr. Marianne Collins-Armstrong at dalawang katiwalang kasama, Dr. Richard Smith, at Dr. Hook.

Magkakahiwalay na mga sasakyang ang robot ng Voltes V na nabubuo sa isang robot at pinipiloto nina Steve Armstong, Big Bert Armstrong, Little John Armstrong, Jaime Robinson, at Mark Gordon. Ama nina Steve, Big Bert at Little John si Dr. Ned Armstrong. Ama naman ni Jamie si Commander Robinson, ang Supreme Commander-General ng UN, samantalang isang cowboy na may talento si Mark na napasama sa serbisyo.

Ang Camp Big Falcon ang home base ng Voltes V, isang fortress na matatagpuan sa hugis-ibon na pulo na malapit sa pampang ng bansang Hapon. Ang mga kalaban ni Voltes V ay mga Boazanian na pinamumunuan ni Prince Zardoz at kanyang mga tagapayo na sina, Zandra, Draco, at Zuhl. Nakatuon ang kuwento sa paghahanap ng mga magkakapatid na Armstrong sa kanilang amang si Dr. Ned Armstrong.

Habang sumusulong ang kuwento, dalawang pangunahing mga tauhan ang namatay, sina Dr. Smith at Zuhl. Napalitan sila ng dalawang bagong tauhan sina Dr. Hook at si Belgan. Nang matatapos na ang serye, napag-alaman ng mga magkakapatid ang kanilang naiibang pinanggalingan, na mga may lahing tao at lahing Boazanian sila.

Naramdaman nila na dapat nilang bigyan pansin ito kung paano makakaapekto ito sa kanilang buhay sa gitna ng kanilang malalapit na kaibigan at mga kasama. Nalaman din nila na kapatid nila ang Boaznian na si Prince Zardoz sa unang asawa ni Dr. Ned Armstrong.







Tags:
voltes v legacy
voltes v legacy trailer
voltes v
Voltesv
anime
anime club
tagalog anime
tagalog dub
japanese anime
anime philippines
JAPANES ANIME
giantrobot
robot
super robot
Steve Armstrong
Mark Gordon
Big Bert Armstrong
Little John Armstrong
Jamie Robinson