Araw Na10 'To! The Pasay Grand Rally - First Hand Experience

Subscribers:
404
Published on ● Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=ZkROdZkAl_E



Duration: 3:56
91 views
7


๐™†๐˜ผ๐™” ๐™‘๐™‹ ๐™‡๐™€๐™‰๐™„ ๐™๐™Š๐˜ฝ๐™๐™€๐˜ฟ๐™Š ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐™Š๐™๐™Š ๐™†๐™Š.

Lahat ng criteria ng isang magandang leader ay nasa kanya. Track record, achievements, credentials, mga nagawa at magagawa pa. May concrete plan from start to finish sa lahat ng platapormang hinahayag niya. Alam mong hindi lang puro salita at pangako dahil may resibo siya sa mga nagawa niya mula pa noong wala pa siya sa politika.

Mas lalong naging buo ang desisyon ko nung umattend ako ng Grand Rally niya sa Pasay kasabay ng kanyang kaarawan. Doon ko naramdaman na nakakahawa pala talaga kapag ang sinusundan mong lider ay mabuting tao. Lahat ng nakasalamuha namin sa rally walang tapon ang ugali. Lahat nag tutulungan, lahat nag bibigayan ng pagkain o tubig, walang naiiwan. Kahit pagod eh uupo lang pero babangon muli matapos ang ilang minuto. Puro ngiti at tawanan ang maririnig sa buong paligid. Ramdam mo talaga na may mga pinaglalaban at sabik na sa good governance ang mga tao. Kahit nung pauwi na kami, lahat binabati ang isa't isa kahit hindi magkakakilala. Lahat sinasabihan ng "Ingat po kayo pag uwi" o "Kuya gusto niyo pa po ng tubig? Meron pa po kaming tira dito". Ang sarap sa pakiramdam na may mga tao paring ganito. Ika nga nila "Faith in humanity restored". Doon ko na realize na may pag-asa pa pala ang Pilipinas. May pag asa pa tayong umangat sa kabila ng lahat. At nabuo ang pag-asa ko dahil sa ipinakita ni VP Leni Robredo. Kaya't kasama ko at ng buong Pilipinas. ๐—œ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป '๐˜๐—ผ.

#arawna10to #hbdpresidentleni #taosataoparakayrobredo #ipanalona10parasalahat

Music:
Rosas (Orchestral Cover) - Nica Del Rosario ft. Gab Pangilinan | Roniel David (Instrumental Cover) (https://youtu.be/DBVr603NU1I)







Tags:
#arawna10to
#hbdpresidentleni
#taosataoparakayrobredo
#ipanalona10parasalahat