IVF JOURNEY

Channel:
Subscribers:
4,300
Published on ● Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=1otO9Fe8OSk



Duration: 8:37
233 views
9


Long post ahead πŸ‘‡

Sharing a special moment in our journey as we underwent an IVF frozen embryo transfer at COSY on May 27, 2023.

πŸ“Œ 2x IUI failed (St. Lukes 2018)
πŸ“Œ 1 left ovary
πŸ“Œ 1 fallopian tube
πŸ“Œ Endometriosis

Husband
πŸ“Œ low sperm count
πŸ“Œ teratozoospermia
πŸ“Œ critical DNA Fragmentation

We've been trying naturally for the past 7 years pero wala pa rin. Super bilis ko magshift sa ibang OB gang inabot kami ng pandemic so na stop lahat ng check-up. We decided na isa sa amin magrest at magresign sa work so ako yon kasi inisip ko ako talaga ang may problema. Maraming nangyari sa both family namin. Until we both decided to stay here in tarlac for good. Kaya nagresign na rin sya sa work. May pangarap man na di matutupad pero we chose to stay kasi kinailangan.

Not to brag but to inspire πŸ‘‡
Baog- di lang ako nakaranas nyan sabihan marami-rami rin pala kami. Sa isip ko kasi ako lang ata ang baog 😊. Parang nakatoon ako sa sarili ko. Minsan inuunahan ko nalang na oo na baog na ako. May iba tatanungin ka ano na kailan na, anong petsa na, ilang taon kanaba bat wala pa. Naunahan kana ni ganito, ilang taon na kayong mag-asawa? Nakakainis kaya yon. Sino ba ang ayaw mabuntis 😭? Lahat na nga ginawa namin sumayaw sa Obando, magpahilot kahit nong umuwe ako sa butuan tapos sa isabela kasi yon ang habilin ng byenan ko bago sya nawala sa amin. Wala pa rin. I'm not getting younger na rin tapos dumagdag pa mga ganyang salita nakakastress at masakit yon sa part naming gusto magkababy. Saka malay nyo din yung ibang couple choice nila di magkaroon ng anak. Pagnagpray ako, i have this moment that i'm begging Him to bless me with a baby. Kaya piliin nating manahimik nalang.
Sa mga couple na gusto din magkababy dapat both kayo pacheck-up karamihan kasi si wife lang pinapacheck-up. God has a better plan for you. Baby dust sa lahat ng couple na gusto magkababy ❀️. Let's keep on trusting the process πŸ™.

Yung husband ko okay lang sa kanya na wala kaming anak. Pero ako gusto ko talaga. Giving up is not my option at this moment ☺️. Naisip namin mag ampon pero yung heart at mind ko gusto magpatingin for the last time at kapag wala okay go for adoption. Kaya naghanap kami ng fertility clinic. With the help of Ruzette my kumare hehe nagsearch sya sa facebook at nagpaappointment agad kami. Di ko akalain merong IVF dito sa pinas akala ko out of the country lang ginagawa.

Nov 12, 2022 dito nagstart ang IVF journey namin mag-asawa.

Ibat-ibang cases ang nakakasalamuha namin. Mas malaking gastos ang sa kanila compared sa amin. Akala namin di namin kakayanin ang expenses. Akala namin isang bagsakan ang babayaran. It was financially, emotionally and mentally draining. Hinalungkat pa namin mag-asawa mga gamit ni mommy kasi baka may nakatago talagang pera haha sabi nalang namin maiintindihan naman nya kasi para sa apo naman nya ☺️. Pero wala kaming nakitang pera 🀣 meron man sa wallet 2k pero di namin ginalaw yon hehe. Sobrang struggle sa amin because we were relying on something that we didn't know the outcome.

May 27, 2023 first embryo transfer
YES WE DID IT πŸ€°πŸ‘Ά

Feb 18,2024 (Caesarean Section)
Thank you to my Perinat Dra. Karen Toledo

Thank you so much sa mga taong naniniwalang magkakaroon kami ng anak. Thank you for your thoughtful prayers ❀️. Thank you to my bothsides family and friends. Those who supported me throughout my pregnancy thank u so much, i could not mention you one by one but i just want you to know that you've made me feel loved and cared for.
To my supportive husband thank you so much and i love you always πŸ₯°.

Thank you to Dra. Eilleen CoSy, to the dedicated team , and nurses at Co-Sy Fertility Clinic & IVF Center this wouldn't have been possible without you. And ofcourse thanks to the Lord for helping us with this miracle πŸ™.

#IVFJourney
#ivfbabyboy
#infertility
#nocopyrightinfringementintended
#thismusicbelongstotherightfulowner