PAGLISAN SA AKING KAARAWAN | SPOKEN WORD POETRY | JhayL TV

Channel:
Subscribers:
5,440
Published on ● Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=sH8f0fMK36Q



Duration: 4:03
895 views
58


“PAGLISAN SA AKING KAARAWAN”

By: John Louiese Mata
01.16.18

Mahal, miss na kita
Mga salitang nababanggit kapag naalala ka
Mahal, mahal na mahal kita
Mga salitang nais kong bigkasin kahit wala ka na
Mahal, sana andito ka
Mga salitang sinasambit ng paulit ulit
Para iparatating sa’yong kailangan kita

Miss na miss ko na ang lahat ng meron tayo
Miss ko na ang lahat ng meron noon sa’ting dalawa
Ngunit alam ko na ang lahat ng iyon ay imposible na
Kung kaya ko lang sanang ibalik ang nakaraan
Ginawa ko na, makapiling ka lang ulit sinta

Sariwa pa rin sa aking mga alaala
Ang iyong biglaang paglisan sinta
Paglisan na kailanma’y hindi ko inaasahan
Paglisan na kailanma’y hindi mo sa’kin naituran

Paglisan na dahilan ng aking matinding kalungkutan
Bigla akong nalungkot at walang naramdaman
Pagkat hindi ko inaasahan na sa akin pang kaarawan
Mawawala ang mahal ko na dahilan ng kaligayahan

Ang kaarawang dapat ay kasiyahan
Napalitan ng dalamhati at kalungkutan
Ang pag-alala sa mga ito’y ‘di ko maiwasan
Tinatanong kung bakit sa akin pang kaarawan?

Siguro’y nais mong laging aking maalala
Na sa bawat kaarawan ay maalala din kita
Maalala ang iyong masakit na pagkawala sinta
Maalala ang pagkawala ng lalakeng mahal kong talaga

Masakit man isipin na ikaw ay lumisan
Sa pagtanggap, ako man ay mahirapan
Masakit mang isiping iniwan mo na ng tuluyan
lahat ng iyong bilin, ay akin pa ring isasakatuparan

Alam ko na sa picture na lang ulit kita mahahawakan
Alam ko na sa isip na lang kita matatagpuan
Pati magagandang alaala n g ating nagdaan
Nagdaang kailanma’y hindi mapapalitan

Ngunit alam ko rin naming ‘di mo masasagutan
Ang aking naiturang mga katanungan
Sapagkat sa tula ko lang pinamagitan
Ang tanong tungkol sa iyong paglisan

Ang pag-ibig natin na dati’y pinag isa
Ngayon sa sarili ko na lamang nadarama
Ang mga alaala ng ating pagsasama
Sa puso’t isip ko’y kailanma’y ‘di mabubura

Sa dinami-rami ng bagay na sa atin ay maghihiwalay
Bakit ang pagkakataong ‘di na muling makita habang buhay?
Ngunit sa tadhana’y ano ang aking laban?
Walang magagawa kahit na ang aking pagluha

Matinding karibal aking kinaharap
Kahit malungkot, natutong magpanggap
Magpanggap na masaya kahit mahirap
Mahirap na ako na lang ang tutuloy sa ating mga pangarap

Sa ating tatlong anak ay huwag mag alala
Tinutupad ko pa rin ang sumpaan nating dalawa
Pinipilit buuhin ang ating pamilya
Pagkat alam ko na andyan pa rin ang iyong presensya

Mahal, maraming salamat
Sa pag-ibig mong laging tapat
Lahat ng mga alaala mo ay sapat
Para manatili ka sa puso kong dapat

Sana’y ipagpaumanhin ang aking katanungan
Na bumagabag sa aking isipan
Na kung bakit ka lumisan
Sa akin pang kaarawan.


#SpokenWordPoetry #FilipinoSpokenWord #Paglisan




Other Videos By JhayL TV


2020-07-23LEAD ME LORD in the style of BASIL VALDEZ | JhayL TV
2020-07-22KAPA FOUNDER PASTOR JOEL APOLINARIO, ARESTADO! | JhayL TV
2020-07-20DANCE MONKEY BY: TONES AND I | JhayL TV Cover
2020-07-07TRICYCLE DRIVER VIDEO OF BUKNOY GLAMURRR | BUKNOY'S APOLOGY VIDEO | JhayL TV
2020-07-06HOW I GET MONETIZED IN JUST 1 DAY | APPROVED TIPS AND TRICKS | JhayL TV
2020-07-05HANGGANG KAILAN - Orange & Lemons (Cover) | JhayL TV ft. Jerome Razon
2020-07-03MARIKIT - Juan x Kyle | JhayL TV ft. Rhon Lloyd Espinola Matucad (Cover)
2020-07-011K SUBSCRIBERS COUNTDOWN & CELEBRATION | Thank You and Happy 1K Subscriber | JhayL TV
2020-06-26"TAMA SILA" | SPOKEN WORD POETRY | JhayL TV
2020-06-25Getting my 2nd Tattoo (Fun Experience) | JhayL TV
2020-06-20PAGLISAN SA AKING KAARAWAN | SPOKEN WORD POETRY | JhayL TV
2020-06-17HEAL OUR LAND - JAMIE RIVERA | JhayL TV Cover
2020-06-12Top 36 Popular Sound Effects for Vlogs | Vlog Sound Effects | JhayL TV
2020-06-11Top 7 Popular Background Music for Vlogs | Vlog Music | JhayL TV
2020-06-10Music Livestream
2020-06-10BAWAL LUMABAS | THE CLASSROOM SONG BY KIM CHIU | JhayL TV Cover
2020-06-05DUGTUNGAN CHALLENGE (Mash-Up Edition) | NAGKADAYAAN! Laptrip To! 😂 | JhayL TV
2020-06-02Salamat Shopee | Prank Call Audio
2020-05-31Hillsong - Lord, I Offer My Life To You Cover
2020-05-281st Travel Vlog at Payak Beach | Payak, Bato, Cam. Sur | JhayL TV Travel Vlog (Part 2)
2020-05-281st Travel Vlog at Bagacay Twin Falls | Cotmon, Bato, Cam. Sur | JhayL TV Travel Vlog (Part 1)