"TAMA SILA" | SPOKEN WORD POETRY | JhayL TV

Channel:
Subscribers:
5,440
Published on ● Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=klB7E15Nx0M



Category:
Vlog
Duration: 3:03
1,199 views
58


“TAMA SILA”
Spoken Word Poetry
By: JOHN LOUIESE T. MATA ✍


Tama nga sila
Na kapag nainlove at nagmahal ka
Lahat kakayanin mo para lang sa kanya
Tama nga naman talaga sila.

Tama sila, parte ng magmahal ang masaktan
Sinusubok lamang ang inyong katatagan
Upang sa minamahal mo ay mapatunayan
Na seryoso ka sa kanya, ano man ang kanyang pamantayan.

Tama sila, hindi mo naman talaga maiiwasan
Na sa pagsasama niyo’y merong mga bangayan
Pagkatapos ng saya, kulitan at asaran
Magkakaroon pa rin ng mga hindi pagkakaintindihan.

Pero tama pa rin sila, ilang beses ng napatunayan
Minsan nga nauuwi pa sa hiwalayan
Pero kailangan mo pa ring araw araw patunayan
Na ang mga iyon ay parte lamang ng pagmamahalan.

Tama sila, sa inyong relasyon ay maraming pagseselosan
Katropa, kabarkada o kahit pa nga matalik na kaibigan
At minsan pa’y parang hindi mo na siya maintindihan
Nakakatawa, pero parang gusto siya lang ang pakisamahan.

Tama sila, minsan sasakit ang loob mo sa kanya
Hindi naman sa pagrereklamo sa mga pinagbabawal niya
Parang ang O.A lang kasi talaga
Na bawa’t pupuntahan mo’t makakasama, kailangan alam niya.

Pero tama sila, kahit pagod na pagod ka na
Hindi mo pa rin kayang sukuan siya
Kasi ang pagod, naipapahinga
Pero ang mawala siya, baka hindi mo kaya.

Eh kasi nga tama talaga sila
Na darating ang puntong pagod ka na
At ang puntong ang sakit sakit na
Pero ayaw mong sumuko kasi mahal na mahal mo siya.

Kasi ang true love, hindi sumusuko
Laging totoo sa mga binibitawang pangako
Magkaroon man ng isang rason para sumuko
Hahanap pa rin ng rason para manatiling buo.

ang true love ay laging umiintindi
ang true love ay hindi bulag, pipi at bingi
na hindi makikita, maririnig at masasabi
ang pagmamahal mula una hanggang huli.

Kaya masasabing kong tama talaga sila
Na ang pagmamahal ay sobrang unfair talaga
At masasabing kong tama sila
Na sa umpisa lang talaga masaya. :(


tula hugot,
tula ng pag ibig,
tula tagalog,
tula para sa pag ibig,
tula about love
spoken word poetry tagalog,
spoken word poetry about love,
spoken word poetry tagalog hugot,
spoken word poetry about heartbreak,
spoken word poetry about love tagalog,
spoken word poetry about relationships,
spoken word poetry filipino,
spoken word poetry hugot,
spoken word poetry hugot tagalog,
spoken word poetry kaibigan,
spoken word poetry kabataan,
spoken word poetry love

#SpokenWordPoetry #FilipinoSpokenWordPoetry #TagalogSpokenWordPoetry







Tags:
Spoken Word
Spoken Word Poetry
Tagalog Spoken Word
Tagalog spoken word poetry
Sad spoken word poetry
Heartbreak spoken word poetry
Filipino spoken word
Filipino Spoken Word Poetry
spoken word poetry tagalog
spoken word poetry about love
spoken word poetry about heartbreak
spoken word poetry broken heart
spoken word poetry filipino
spoken word poetry hugot
spoken word poetry hugot tagalog
spoken word poetry heartbreak
spoken word poetry hugot sa pag ibig