Top 10 entries ng Himig Handog 2018, ipinakilala na

Channel:
Subscribers:
1,490,000
Published on ● Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=vlkSUhT9Erg



Duration: 4:48
3,473 views
0


Ipinakilala na ang sampung awitin mula sa mahigit limang libong entries ng mga Pinoy na mula sa iba’t ibang rehiyon dito sa Pilipinas, pati na rin sa ibang bansa, bilang Himig Handog 2018 finalists na maglalaban-laban para masungkit ang Best Song award sa pinakamalaking songwriting competition sa bansa.

Ang tema ng taunang kumpetisyon ngayon ay “Love Songs and Love Stories”, ang mga orihinal na komposisyon nakapasok sa finals ay kakantahin ng ilan sa mga kilalang musical performers na kinaugalian na ng Himig Handog.

Sina Krystal Brimner at Sheena Belarmino, kasama ang all-girl group na MNL 48, ang mag-iinterpret ng "Dalawang Pag-ibig Niya" na entry ni Bernard Reforsado ng Albay.

Si Eumee Capile naman ang interpreter ng "Hati Na Lang Tayo Sa Kanya" ni Joseph Santiago ng Quezon City.

Ito naman ang R&B royalty na si Kyla sa ikatlong pagkakataon bilang Himig Handog interpreter at sasamahan siya ng teen rapper na si Kritiko para sa awiting "Kababata" ni John Michael Edixon ng Parañaque City na siya ding si "Kritiko".

Ang awiting "Mas Mabuti Pa" mula naman kina Mhonver Lopez at Joanna Concepcion ng Laguna ay bibigyang buhay ni Janine Berdin.

Kakantahin naman ng BoybandPH ang Para Sa Tabi na isinulat ni Robert William Pereña mula pa sa Dubai sa Middle East.

Samantala, pangungunahan naman ni JM de Guzman ang awitin ng Davao pride na si Kyle Raphael Borbon na may titulong "Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong".

Ang Star Pop artist na si Maris Racal ang magpeperform ng "Sugarol" na isinulat naman ni Jan Sabili ng Muntinlupa City.

Nagbabalik rin si Jona para sa ikatlong taong sunod-sunod na pagsali bilang Himig Handog interpreter ngayon, para sa awiting "Tinatapos Ko Na", isang komposisyon ni Sarah Jane Gandia ng USA.

Ang viral OPM band naman na Agsunta ang magbibigay interpretasyon sa awiting "Wakasan" ni Philip Arvin Jarilla ng Antipolo, habang si Sam Mangubat naman ang aawit ng "Wala Kang Alam" na binuo nina Martin John Arellano ng Manila at Mel Magno ng Pampanga.

Tatanggap ng P1 million ang grand prize winner, habang P500,000 naman ang makukuha ng sumulat ng 2nd Best Song. Ang mga composers na tatanghaling 3rd place ay tatanggap ng P200,000, ang 4th place ng halagang P150,000 at ang 5th place ng halagang P100,000.

Nasa ika-siyam na taon na ang Himig Handog. Nagsimula ito noong 2000 hanggang 2003 at ibinalik muli pagkatapos ng isang dekada. Patuloy ito sa pagdidiskubre ng local talents at pagsuporta sa OPM sa pagkakalap nito ng mga bagong awiting may tatak Pinoy.

Ang mananalo ay ihahayag sa final night nito sa Nobyembre 25

--------
The station is dedicated to the growth and revolution of the new media era. It is created as a community and a resource -- a center of values where its best practices can be explored and where vision and innovation are shared to build new opportunities that enrich life.

Watch NET 25 Online: http://eaglebroadcasting.net/net25tv

Like us on Facebook: https://www.facebook.com/NET25TV
Follow us on Twitter: https://twitter.com/Net25TV
Tumblr: http://net25tv.tumblr.com/




Other Videos By NET25


2018-10-29Greetings from the ministers and workers of EBC on the birthday of Bro. Eduardo V. Manalo
2018-10-28EBC 50th anniversary greetings from Australia East
2018-10-24Teen artist na si Martin V., sumasabak na din sa singing career
2018-10-22Carlo Aquino shares their family bonding (MOMents)
2018-10-22Carlo Aquino reveals how happy he is (MOMents)
2018-10-22Rachel Alejandro at Chef Barni Alejandro-Rennebeck, nagbahagi ng healthy diet lifestyle
2018-10-22PNP, patuloy ang intensified campaign vs. illegal drugs| Diskusyon (10.12.18)
2018-10-21NET 25 programs and host bag awards from 32nd PMPC Star AWARDS for TV 2018
2018-10-19Victor Neri at Mula sa Buwan cast sa MOMents ngayong sabado na!
2018-10-19British Boyband na A1, nasa PHL para sa kanilang reunion concert ----
2018-10-17Top 10 entries ng Himig Handog 2018, ipinakilala na
2018-10-12Revival King na si Jojo Mendrez, nag-concert para sa mga batang may cancer
2018-10-12Pelikulang kalahok sa MMFF 2018, kumpleto na
2018-10-12Sino pa ba ang gustong maka-trabaho ni Darren Espanto?
2018-10-10Maris Racal, ibinahagi ang kaniyang latest composition na "Love Is Easy"
2018-10-10FYM Foundation Inc.- naitala sa Securities and Exchange Commission noong 2011| Aprub (10.2.18)
2018-10-03Tatlong bagong programa, mapapanood sa NET 25 tuwing Linggo ng gabi
2018-10-02Imee & U Episode 10 | Get to know more about Metro Ilocos Norte Council (MNCI)
2018-10-02Imee & U Episode 6 | Disaster preparedness discuss by PAG-ASA
2018-10-01Imee & U Episode 4 |Entertainment talk
2018-10-01Imee & U Episode 5 | Different products from Ilocos region



Tags:
NET25
1with25