Tatlong bagong programa, mapapanood sa NET 25 tuwing Linggo ng gabi
Isa na nga rito ay ang TV series na ""The Prodigal Prince," ito ay isang fiction film series patungkol sa pag-ibig, pamumuno, paghihimagsik at pagpapatawad. Pinagbibidahan ito nina VMiguel Gonzales bilang "Arthur", "Justin Lee" bilang Reymund, Mateo San Juan bilang "Alfred" at Isiah Tiglao bilang "Joey" at mula sa direksyon ni IJ Fernandez.
Mapapanuod ang "The Prodigal Prince" dito sa NET 25 tuwing linggo sa ganap na alasyete ng gabi.
Ang reality show naman na may adbokasiya na maipakita ang tunay na galing ng isang Pilipino... Sa bawat episode ng naturang show ay may mga kabataang susubok sa iba't ibang challenges na mayroon kinalalaman sa mga katangian, kultura at tradisyon ng bawat pinoy sa iba't ibang probinsya. Magtutungo sila sa iba't ibang lugar dito sa bansa upang masubukan ang kanilang pagiging isang Pinoy. Mapapanuod din rito ang iba't ibang lugar na magpapamalas ng kagandahan ng Pilipinas.
Mapapanuod ang "Galing Ng Pinoy" tuwing linggo sa ganap na alasyete ymedya ng gabi.
Hindi naman magpapahuli ang isa pang programa ng SMAC Television at ito ay ang "Bee Happy, Go Lucky" na isang musical variety show. Mapapanuod rito ang iba't ibang performances katulad ng singing, dance numbers, acting at mayroon ding kumpetisyon na ipapakita ang galing ng kabataan. ito ay pangungunahan ng mga talents na nakilala sa iba't ibang platforms ng social media.
Mapapanuod ang "Bee Happy, Go Lucky" tuwing linggo, pagkatapos ng Young Once sa ganap ng alas-nuwebe ng gabi.
Ang Social Media Artist and Celebrities o SMAC Television Production ay isang online network na mayroong mga entertainment shows na ang pangunahin ay mga Youth Oriented shows.
--------
The station is dedicated to the growth and revolution of the new media era. It is created as a community and a resource -- a center of values where its best practices can be explored and where vision and innovation are shared to build new opportunities that enrich life.
Watch NET 25 Online: http://eaglebroadcasting.net/net25tv
Like us on Facebook: https://www.facebook.com/NET25TV
Follow us on Twitter: https://twitter.com/Net25TV
Tumblr: http://net25tv.tumblr.com/