Water to the Moon!

Channel:
Subscribers:
39,700
Published on ● Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=g4x5AfX05Os



Duration: 1:58
42 views
0


May bagong kaalaman na natuklasan ang mga siyentipiko sa China. Ang ating buwan di umano ay may taglay na tubig, na maaaring gamitin sa mga Space exploration sa hinaharap.

Ginamit ng China ang lunar rover na Chang'e-5 upang mangolekta ng mga sampol mula sa buwan, at pinag-aralan ito kasama ng mga siyentipiko mula sa iba't ibang bansa.

Matapos ang ilang buwan na pag-aaral, natuklasan ng mga siyentipiko na mayroong tubig sa mga butil ng mga mineral mula sa buwan.

Ang mga tubig daw umano ay nakakubli sa tila gabutil na salamin o glass beads. Kanila itong nakolekta sa lugar kung saan bumagsak ang mga bulalakaw o meteorites.

Sa sukat na maihahalintulad sa buhok ng tao, napakaraming glass beads daw umano sa buwan. At napakaliit na porsyento lamang na tubig ang naka imbak sa mga ito.


Kung hindi billion, ay trillion daw ang bilang ng mga water-containing glass beads sa buwan. Subalit, isa sa pinaka mahirap na gawin ay ang pag mina sa mga ito.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin daw na maiimbak ang tubig sa mga glass beads sa buwan dahil na rin sa tulong ng hydrogen mula sa solar wind ng araw.

@MisterBrowse