China Military Drills Taiwan Tagalog
China naglunsad ng Military Drills sa paligid ng Taiwan Sa loob ng halos tatlong araw ay nagsagawa ng Military exercises ang China sa Taiwan Strait. Ang mga gawaing pangdigma ay ginanap lamang isang araw matapos bumalik mula sa Estados Unidos ang lider ng Taiwan na si Tsai Ing-wen, kung saan nakipagpulong siya sa House Speaker na si Kevin McCarthy at iba pang mga mambabatas. Ang mga drills na tinawag na United Sharp Sword ay "isang seryosong babala sa mga pwersa ng Taiwan independence separatist at sa panghihimasok ng mga dayuhang pwersa" ayon sa pahayag ng Chinese People's Liberation Army. Sa unang araw, nag-rehearse ang mga pwersa ng China sa kasanayan kung paano ang pag kontrol sa dagat, himpapawid, at komunikasyon upang mapaligiran ang Taiwan. Lumikha ang China ng isang suppressive na sitwasyon kung saan napalibutan ang isla sa lahat ng mga panig.
#youtubeshorts
@MisterBrowse