MALAYA KANA 😥💔 | Hugot Spoken Word Poetry | Tagalog Poetry | by mhay | Little bit | kaya mo ba?
■●TITLE: "MALAYA KANA"
| Hugot spoken Word | tagalog| Inspirational | Love | hugot
■●BY: Little Bit●■
"MALAYA KANA"
Bibitaw ako hindi dahil ayoko na..
Kundi dahil alam kong hindi kana masaya..
Hindi kana masaya na ako ang iyong kasama..
Pagka't meron kanang iba,na sayo ay nagpapaligaya..
Masakit para sakin,pero kailangan tanggapin..
Dahil sa ating dalawa,ako nalang yung nakakapit na pinipilit mong pabitawin..
Nakakapagod man pero hindi ko parin kayang gawin..
Pagka't ikaw ay sobrang mahal ko parin..
Kahit na alam kong pinipilit mo nalang akong mahalin..
Dahil ang totoo ay sa iba na ang puso mo nakabaling..
Ang mga mata mo'y sa iba na nakatingin..
Tila ako'y nakalimutan mo na pinangakuan mo na mamahalin..
Kay bilis mo naman limutin ang mga sinabi mo sa akin..
Pagkatapos mo ako pakiligin ay iiwan mo lang din..
Pero bakit ako yung hinihintay mong bumitaw sa relasyon nating ikaw naman yung unang umayaw..
Para ba ikaw yung magmukhang kawawa,kahit ako yung totoong nagparaya..
Upang mapagtakpan ang agad na pagpasok mo sa isa pang relasyong hindi naman tama..
Hindi tama dahil ang sa atin ay dapat tinapos mo muna..
Kung ang aking pagbitaw ang sa iyo ay magpapalaya.
Bakit hindi mo nagawang mahintay ito bago ka nangaliwa..
Sa ating dalawa ikaw yung nawalan..
Pagka't ang pagmamahal ko sayo ay hindi mapapantayan..
Bibitaw na ako dahil ako'y pagod na..
Salamat sa iyong ibinigay na panandaliang saya..
Bibitaw na ako..
Malaya kana...
■●You can follow me on my YOUTUBE |Facebook Page For more hugots to share
■● YOUTUBE CHANNEL : https://youtube.com/@LittleBit01
■●FACEBOOK PAGE :
■●REMEMBER TO SUBSCRIBE FOR MORE
♡ GOD BLESS YOU ALL♡
■●THANKS PO 🥰🥰🥰
Music Produce By: https://youtu.be/eF2CFdTF-_E
#poetrytagalog #spokenwordtagalog #poetryinstrumental #lovepoetry