Mt. Batulao Hike l Sunny Day Hike in Nasugbu, Batangas l November 2023

Channel:
Subscribers:
2,310
Published on ● Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=--uWE-jf4k8



Duration: 45:44
34 views
2


Mt. Batulao November 2023

So yun na nga makukumpleto ko na rin sa wakas ang magic five mountains ko this November dahil aakyat na ako sa Mt. Batulao haha. Syempre may mga bago tayong kasama iyon ang aking mga magulang. Yung mama ko nakasama ko na sa Mt. Ulap tapos si papa first time hike nya to so excited na sya haha. Nakakaexcite naman talaga pag Mt. Batulao and sobrang ganda ng lugar dun. Kaya nga lang dapat mag- ingat kasi more on bangin ito so minimakesure natin na ang ating travel hike eh maayos at walang panganib, dapat paghandaan.

Magic Five Mountain this year 2023

Mt. Pulag - February
Mt. Ulap - March
Mt. Tapulao - March
Mt. Kapigpiglatan - October
Mt. Batulao - November

Thank you po Lord dahil nakumpleto ko na ngayong taon ang mga dream hike ko haha! Salamat dahil nakaakyat kami ng ligtas at di kame binagyo sa mga akyat ko. Hanggang sa muling hike namin siguro sa 2025 na ulet hahaha!

Maaga kaming umakyat ng Mt. Batulao kasi bandang 4am nasa jump off na kame at dun muna kame nagkape sa Nasugbu, Batangas. So kung mga madaling araw kayo aakyat magdala kayo flashlight ah yung aabot hanggang sa magliwanag. Mahirap umakyat ng walang ilaw puro bangin ang gilid kakatakot haha.

12 peaks ang Mt. Batulao so kahit nasa Peak 1 ka palang eh sobrang taas na ng elevation haha parang di ka nakakababa. Bandang 6 am nasa tuktok na kame ng Mt. Batulao buti na lang may baon ako kasi ginutom ako dun sa may mga lubid at malalaking bato sobrang maingat kame sa part na yun isang maling galaw mo lang hulog na sa bangin. Di na rin namin inakyat yung peak 8 also known as Diana's Peak. Tapos 8 am nakababa na kame buti di kame naabutan ng init dun aha at nameet namin ang mga aso sa tuktok at kasama namin sa pag- akyat na sila Tagpi gagaling nyo haha.

After nyan rekta kame Caleruega Church sobrang luwag pala nun haha as in saket ng paa ko daming hagdan pero love the place. And nung pauwe na kame nag lunch kame sa Lyleth's Overlooking Restaurant kung saan kita mo ang Taal, tinikman namin ang special nilang Bulalo.


Hope you like this vlog and sa mga aakyat ng Mt. Batulao I hope na mag-enjoy kayo sobrang ganda at saya dyan! One of my best hike this year!! hanggang sa susunod mga hikers!! Saan naman kaya this 2025 haha!



#nasugbubatangas #bulalo #adventure #hikerslife #hike #batulaohike #mtbatulao #mountaineers #mountains #batangas #lomi #november2023 #yearendhike







Tags:
hikers
mountains
mountain
hike
nature
adventure
rhed tapang
erovandsky
nasugbu
nasugbu batangas
batangas
bulalo
taal volcano
taal
mt batulao
batulao
family
november
november 2023
2023
year end hike
minor hike