Sablay na pagkanta ni Moira sa rally ng Kakampink
Mukhang tabla na ngayon ang mga asaran sa mga artista ng UniTeam at KakamPink.
Ito ay dahil sa unang viral video performance nito na tila kapus hangin si Toni Gonzaga sa Laguna.
Tinira ng mga Kakampinks si Toni G matapos nga ang simpleng pag kubli nito ng kanyang makahapong pagbirit ng kantang Titanium noong ito ay sumigaw ng “Sabay-sabay,” version na kung saan hinihikayat ang mga audience na sumabay sa kanyang pag kanta.
Hirap si Toni G na abutin ang matataas na nota, upang mapasigla ang mga audience ay sumigaw na lang ito ng ngayo’y patok nang linya na “Sabay-sabay!”
Durog naman sa mga netizens at taga suporta ng UniTeam ang kapamilya singer na si Moira na tila sablay din nitong pag-awit ng kanyang original songs sa Leni-Kiko campaign na naganap sa Zamboanga.
Upang mapagtakpan ang napansing struggle ni Moira ay sinabayan na lamang ito ng mga audience at ng mga back up vocals ng banda.
Hindi naman ito pinalampas ng VinCentiments at shinare pa sa kanilang official Facebook page ang naturang video.