Tahong Dumagsa sa Negros
FULL STORY:
https://kwentology.blogspot.com/2022/07/too-much-tahong-filled-negros.html
Ako po ay nagmula sa probinsya ng Negros Occidental. At sa lugar sa amin ay may isishare ako na kwento. Nakatira kami malapit sa dagat, at dahil dito ay sagana kami sa likas na yaman nito Maliban sa pagiging mangingisda ay meron ding naghahanap buhay sa pagiging fish broker, at fish vendor.
Syempre hindi lamang umiikot ang likas na yamang taglay ng dagat sa mga nakakatandang kalalakihan. Buong pamilya mula batang lalaki, babae, mga nanay, at mga lolo't lola ay pwede ring maghanap buhay sa dagat. Isa na rito ang pagkakataong malakas ang mga alon dala ng sama ng panahon o bagyo. Dahil kasi sa lakas ng alon ay natatangay papuntang dalampasigan ang mga seafoods gaya na lamang ng tahong. Mas lalong banaag sa paningin ng mga taga rito ang mga nag dagsang mga tahong lalo na kung bumaba na ang lebel ng tubig tuwing low tide. Syempre sobrang sobra ang mga ito para sa mga nakatirang residente. Upang hindi masayang, mabulok at mangamoy kalaunan ay pinamimigay ito sa mga ibang interesado sa yamang dagat na ito. Sa tulong ng social media gaya ng Facebook ay inimbita ng mga taga San Enrique ang mga residente sa mga malapit na lugar na tulungan silang anihin ang mga nag dagsaang mga tahong na halos sako sako ang dami. At dahil sa marami ngang nakakita ng naturang uploaded photos at videos sa internet ay marami rin ang nagsipuntahan upang makiisa na rin sa sagana ng yamang dagat. Ang sariwang tahong ay maaring tanggalan ng shell at lutuin ito ng adobo style. Pwede naman itong lutuin sa simpleng sabaw na may tanglad. O di kaya naman ay gisahin sa kamatis na may sibuyas at luya saka ito lagyan ng konting sabaw. Maari ring lutuin ito kasama ng sotanghon o miswa. Ang tahong na brownish ang kulay ay mas masarap kaysa sa Green shell na nabibili natin sa palengke.