Golden Age ng mga tren sa Pilipinas

Channel:
Subscribers:
39,600
Published on ● Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=3oLKdbG4YVU



Duration: 2:27
45 views
0


Sinasabing ang Golden Age ng mga tren sa Pilipinas ay malapit ng makamtan.

Malapit ng maging functional ang binuong North South Commuter Railway ng Philippine National Railway.

Ang NSCR ng PNR ay may halos 147 kilometrong riles mula sa Calamba, Laguna at sa tulong ng Airport Railway Express Service konektado rin ang serbisyo ng mga tren hanggang sa Clark, Pampanga.

Halos may 37 stations ang planong buuin sa iba't ibang 28 lugar na sakop ng rehiyon ng Calabarzon, NCR at Gitnang Luzon.

Ang phase 1 ay magiging operational ngayong 2022, at tinatayang aabot sa 300,000 pasahero kada araw ang masiserbisyuhan nito.

Ito ay may haba ng halos 38 km ng riles mula sa Tutuban hanggang Malolos.

Dahil na rin sa modernisasyon sa mga tren ay lalo pang mapapadali ang oras ng byahe sa tinatayang 30 minuto lamang.

Ang phase 2 naman ay 53 km riles mula sa Malolos hanggang Clark International Airport. Ang dating 2 hanggang 3 oras na biyahe noon, ay magiging 55 minuto na lamang kapag tuluyan na itong magiging operational.

Ang phase 3 naman ay mula Solis sa Maynila, patungong Calamba hanggang sa Southern Luzon. Meron itong halos 56 km na haba ng riles, 3 oras ang byahe sa ngayon. Ngunit kapag nagsimula na ang operasyon ng Phase 3 ay magiging 1 oras na lamang at kayang serbisyuhan ang humigit kumulang 340,000 na pasahero.

Ipinakita nakaraan ng PNR at DOTr ang unang tren na gagamitin sa Phase 1. Meron itong 8 bagon na kayang isakay ang 2200 pasahero at haba ng 160 metro sa magkabilaang dulo.

Kung ikukumpara meron lamang 3 bagon ang MRT3. Ang PNR Phase 1 ay lamang na lamang dahil sa 8 bagon nito.

#bbm #marcoslegacy #continuehislegacy #pnr #marcoslegacy