GAMOT SA DEPRESYON
DIAGNOSIS AT PAGGAGAMOT NG DEPRESYON
May mga epektibong paggagamot ng depresyon. May mga health-care provider na nagbibigay ng mga psychological treatment tulad ng behavioral activation, cognitive behavioural therapy at interpersonal psychotherapy o kaya antidepressant medication (tulad ng selective serotonin reuptake inhibitors at tricyclic antidepressants). Kasama rin sa iba pang psycholo-gical treatment ang individual o group face-to-face psychological treatment hatid ng mga propesyonal na doktor at mga nangangasiwang therapist.
Laging Mag-Exercise
Kapag nagpapawis ang isang tao, mas natatanggal ang mga negative energy sa katawan niya. Makakatulong din ito sa iyong mental state.
2. Bawasan ang paggamit ng Social Media
Proven na na nakakadagdag sa depresyon ang social media, kaya’t hanggang maaari, iwasan na ito. Instead na mag online, ikaw ay magbasa ng mga libro katulad ng Bible upang kumalma ka at hindi magkaroon ng information overload.
3. Build Strong Relationships
Stay with positive people. Create friends, not enemies. Kelangan mo ng support group, hindi yung mga tao na idi-discourage ka sa pinagdadaanan mo. Tandaan, hindi lahat ng tao ay naiintindihan ang kalagayan mo.
4. Bawasan ang choices na ginagawa mo sa bawat araw
Maaari kang gumawa ng checklist sa bawat araw para mas nababawasan ang stress mo sa mga kailangan mong gawin sa isang araw. Iwasan mong gumawa ng sobrang daming desisyon at siguraduhin mo na ang checklist na ginagawa mo ay attainable.
5. Bawasan ang nagko-cause ng stress mo
Umiwas ka na hangga’t maaari sa mga nakaka-stress na sitwasyon. Kapag lalo ka pumupunta sa stressful environments, mas mahihirapan ka at madidisappoint.
6. I-maintain ang treatment plan mo
Kung nakaranas ka na ng depressive episode, maaaring maulit pa ito, kaya importante na magkaroon ka ng treatment plan mula sa doctor mo. This includes:
a. pagpapatuloy sa prescription medications mo at hindi paghinto sa pag-inom nito
b. pagkakaroon ng maintenance visits sa therapist mo
c. pag-praktis ng strategies at coping mechanisms na tinuro ng therapist mo
7. Matulog ng mahabang oras
Ang pagkakaroon ng marami at high-quality sleep ay nakakatulong sa mental at physical health mo. Ayon sa National Sleep Foundation, ang mga taong may insomnia ay may times ten chance na magkaroon ng depression, kumpara sa taong nakakatulog ng maayos. Para magkaroon ka ng maayos na tulog, sundin ang mga payo na ito:
a. iwasan ang pagcecellphone bago matulog
b. mag-dasal bago matulog
c. humiga sa komportableng unan
d. umiwas sa kape sa hapon
8. Umiwas sa mga toxic na tao
Inuulit ko, maraming tao ang hindi nakakaintindi sa mga taong may depression. Pero hindi ito ang katapusan ng buhay mo, dahil pwede mo silang iwasan. Instead, surround yourself with positive people who will bring out the best in you.
9. Kumain ng maayos
Sabi sa mga pag-aaral, ang pagkakaroon ng high-fat diet ay maaaring makadagdag sa pagkakaroon ng chronic stress na napupunta sa depresyon. At, ang unhealthy diet ay nakakabawas sa pagbibigay ng nutrients sa katawan para alagaan ang physical at mental health. Para maiwasan ito:
a. eat balanced diets na may lean protein at maraming prutas at gulay
b. bawasan ang high-sugar and high-fat foods
c. bawasan ang processed foods sa diet mo
d. magsama ng mga pagkain na may omega-3 sa diet, katulad ng salmon at mani
10. Mag-maintain ng healthy weight
Ang obesity ay nakakabigay ng low self-esteem, lalo kung napaparami ang panghuhusga at kritisismo ng mga tao. Mas maganda na maging healthy ka para mabawasan ang mga negative energy sa mental at physical health mo.
Alamin ang mga Sintomas ng Depresyon
Paminsan-minsang nakakaramdam ang bawat tao ng kalungkutan. Natural na bahagi ng buhay ang kalungkutan. Ngunit naiiba ang panahon ng kalungkutan na matindi o nagtatagal nang mahigit sa ilang linggo. Maaaring senyales ito ng depresyon. Malalang sakit ang depresyon. Hindi ito senyales ng kahinaan. Hindi ito kapintasan sa karakter. At hindi ito isang bagay na basta mo maihihinto. Kailangan ng paggamot ang karamihan ng taong may depresyon upang gumaling. Maaaring makagambala ang depresyon sa buhay ng kapamilya at mga kaibigan. Kung may kilala ka na maaaring depressed, alamin kung ano ang iyong maitutulong.
Mga sintomas ng depresyon
Ang mga taong depressed ay maaaring:
Hindi masaya, nalulumbay, nalulungkot, nabibigo, o miserable halos araw-araw
Nakakaramdam na walang kaya, walang pag-asa, o walang halaga
Nawalan ng interes sa mga libangan, kaibigan, at aktibidad na dating nagbibigay ng kasiyahan
Hindi makatulog nang mahimbing o sobrang matulog
Nadaragdagan o nababawasan ang timbang
Nakakaramdam ng panghihina o laging pagod
Nahihirapang ituon ang isipan o gumawa ng mga desisyon
Nawawalan ng gana sa pakikipagtalik
Mayroong mga pisikal na sintomas, tulad ng mga pananakit ng tiyan, masakit na ulo, o pananakit ng likod
Alamin ang mga malubhang senyales