Eiji Sawakita Story - Manga To Movie? At Meron Pa Kaya Idudugtong na Kwento Dito?
Mula nang napanood ko ang pelikula at nabasa ang manga ay masasabi ko na kailangan pa magkaroon ng kasunod ang kwento o magkaroon pa ng karugtong ang manga. Maliban kay Ryota, bukod sa gusto nating malaman kung ano na ang nangyari sa future ni Sakuragi sa basketball kasama din dito sina Rukawa, Mitsui at Akagi. Karamihan sa atin ay hindi pa gaano kilala ang nakalaban ng koponan ng Shohoku sa Interhigh at number 1 high school basketball team sa Japan na Sannoh High. Isa na dito ang number 1 ace player na si Eiji Sawakita. At sa videong ito ating halukayin ang back story ni Eiji Sawakita ayon sa nabasa ko sa manga. At ang masasabi ko lang dito ay dapat pang magkaroon ng karugtong ang kwento ang paborito nating anime na ito. Alamin kung bakit?
Thank for watching!
#slamdunk #thefirstslamdunk #anime