BINALEWALA 💔 | SPOKEN WORD | POETRY TAGALOG | BY MHAY | LITTLE BIT | IKAW NABALEWALA KANA BA?

Channel:
Subscribers:
1,630
Published on ● Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=XD1aoFJhYn0



Duration: 2:21
199 views
11


■●TITLE: BINALEWALA💔😥
| Hugot spoken Word | tagalog| Inspirational |\n■●BY: Little Bit

●BINALEWALA●
Bulag ka ba?..
Para di mo makita na nandito ako..
Ako na palaging nasa tabi mo..
Wala ka bang pakiramdam?..
O sadyang manhid ka lang..
Para di mo maramdaman, ang aking pagmamahal..
Pagmamahal na ibinibigay ko para sayo..
Habang ang lahat ng ito, ay binabalewala mo..
Di ba't ako yung palaging nandyan,kapag iyong kailangan..
Ako yung palaging nandyan,kapag kailangan mo ng kahuntahan..
Ako yung palaging nandyan,kapag kailangan mo ng masasandalan..
Ako yung taong handa kang samahan..
Handa kang damayan..
Sa lahat ng iyong mga problema,at mga pinagdadaanan..
Ngunit bakit ang lahat ng aking ginagawa,ay tila hindi mo namamalayan..
O sadya ka lang walang pakielam,para ako'y pahalagahan..
Kaya't wala ka ring pakielam,sa aking mararamdaman...
Sa aking mararamdamang sakit,dulot ng iyong pambabalewala..
Para sa lahat ng aking mga ginagawa..
Ang lahat ng aking mga sakripisyo,ay binalewala mo..
Ako na palaging nasa tabi mo,ay parang wala lang sayo..
Kaya't ako na binalewala mo..
Ay wala ng dahilan,upang sayo ay manatili pa..
Mahal kita...
Pero ako ay pagod na..
Pagod na sa lahat ng iyong pambabalewala..
Kaya't ako na mismo..
Ang magpaparaya...


■●You can follow me on my YOUTUBE |Facebook Page For more hugots to share

■● YOUTUBE CHANNEL : https://youtube.com/@LittleBit01

■●FACEBOOK PAGE :

■●REMEMBER TO SUBSCRIBE FOR MORE
♡ GOD BLESS YOU ALL♡\n■●THANKS PO 🥰🥰🥰

Music Produce By: https://youtu.be/FN4wv5xLhEs

#poetrytagalog #spokenwordtagalog #poetryinstrumental #lovepoetry







Tags:
spoken word tagalog
tagalog poetry
poetry tagalog
instrumental poetry
love poetry
hugot
tula
makata
mercy bless
jerzdgreat