DISTANSYA - LDR | SPOKEN WORD | POETRY TAGALOG | BY MHAY | LITTLE BIT

Channel:
Subscribers:
1,630
Published on ● Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=wpzPhdc8nL0



Duration: 3:02
524 views
0


■●TITLE: "DISTANSYA"(LDR)
| Hugot spoken Word | tagalog| Inspirational |\n ■●BY: Little Bit●■

"DISTANSYA"(LDR)
Mahal..
Distansya man ang ating nasa pagitan..
Pero makakaasa ka, na ako'y nandirito lang..
At patuloy na maghihintay, hanggang sa ikaw ay aking makasama..
Pagka't di man kita nakakasama,at tanging sa telepono lang kita nakakausap,at nakikita..
Ay patuloy kong panghahawakan ang ating mga binitiwang pangako..
Mga pangakong tayo lang at walang iwanan..
Mga pangakong mahirap pagkatiwalaan,pero patuloy paring susugal..
Pagka't alam kong ito ang magpapatatag sa atin..
Sa ating pagmamahalan..
Pagmamahalang magkalayo man,pero hindi ito magiging handlang,para ako'y sumuko nalang..
Dahil ito ang aking magiging sandigan..
Para sa tatag ng ating pagmamahalan..
Alam kong darating ang mga araw na susubukin tayo ng panahon..
Basta't hindi ka gagawa ng mga bagay na iyong ikasisisra..
Asahan mong patuloy akong magtitiwala..
Kulang man ang mga oras na iyong maibigay,ay patuloy parin akong uunawa..
At pipilitin kong hindi maghinala..
Pagka't ito ay ating ikasisisra..
Basta't palagi lang tayong maging tapat..
At palagi lang tayong maging matatag..
Kahit gaano man kalayo ang ating mga agwat..
Basta't marunong tayong makuntento,
Ay hindi magiging hadlang ang ating mga pagitan..
Pagka't ang tanging mangingibabaw lang,ay ang ating pagmamahalan..
Pagmamahalang binuo natin..
Kahit na tayo ay magkalayo man..
Ay patuloy lang na maghihintay.
Hanggang sa dumating ang mga araw,na tayo ay pagtagpuin ng tadhana..
At ikaw mahal,ay aking makakasama na..
Pagka't di hadlang ang distansya,para sa dalawang taong tunay na nagmamahalan..
Ilang kilometro man ang layo ng ating pagitan..
Ito ay di magiging hadlang..
Para sa ating dalawa..
Na wagas ang pagmamahalan...

■●You can follow me on my YOUTUBE |Facebook Page For more hugots to share

■● YOUTUBE CHANNEL : https://youtube.com/@LittleBit01

■●FACEBOOK PAGE :

■●REMEMBER TO SUBSCRIBE FOR MORE
♡ GOD BLESS YOU ALL♡\n■●THANKS PO 🥰🥰🥰

Music Produce By: https://youtu.be/5Y0GoUSEZ4I

#poetrytagalog #spokenwordtagalog #poetryinstrumental #lovepoetry







Tags:
spoken word tagalog
tagalog poetry
instrumental poetry
love poetry
hugot poetry
tula
makata
trending spoken word poetry
little bit