KAWALAN 😢| SPOKEN WORD | POETRY TAGALOG | BY MHAY | LITTLE BIT | HUGOT POETRY

Channel:
Subscribers:
1,630
Published on ● Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=mihqnMelVjM



Duration: 3:00
178 views
0


■●TITLE: "KAWALAN"
| Hugot spoken Word | tagalog| Inspirational |\n■●BY: Little Bit
●■ KAWALAN ■●

Nakatitig sa kawalan..
Nag-iisip ng mapagkakakitaan..
Pagka't di ko na alam kung paano mababayaran..
Ang aking mga pinagkaka-utangan..
Di ko alam kung saan ba ako may mapagkukunan..
Pati na ang mga pang araw-araw naming pangangailangan..
Ako ay labis na nahihirapan..
Saan kukuha ng pagkain na dapat ay nasa aming hapag-kainan..
Papasok na ang aking anak sa paaralan..
Siya ba ay hahayaan kong umalis nalang nang walang laman ang kalamnan..
Ano pang silbi ng kanyang pag-aaral..
Kung wala namang pumapasok sa kanyang isipan..
Pagka't siya ay nahihirapan intindihin ang paksang kanilang pinag-aaralan..
Dahil sa sakit at kirot ng kanyang tiyan..
Ang sikmura nyang walang laman..
Bakit hindi ko man lang ito nagawan ng paraan..
Anong klase akong magulang..
Kaya't heto ako at natutulala nalang..
Sumabay pa ang aming gasul na nawalan ng laman..
Kaya't kinakailangan kong magpaningas nalang..
Upang aking maisalang kahit mainit na tubig lang..
Para ako'y makapag kape man lang..
At para sa dalawang noodles na aming pagsasaluhan mamaya..
Sa aming munting hapag-kainan..
At ang aming kuryente na kailangan ng mabayaran..
Hahayaan ko rin ba na magdilim ang aming ginagalawan..
Di ko na alam ang aking magagawa riyan..
Pagka't ang asawa ko'y nawalan rin ng kanyang mapagkakakitaan..
Kay pait naman ng aming pinagdadaanan..
Parang gusto kong sumuko nalang..
Pero hindi pwedeng ganun nalang..
Pagka't hindi pa ito ang katapusan..
Dahil ang lahat ng mga ito ay pagsubok lang..
Na sa amin ay dumaraan..
Para sukatin ang aming katatagan..
Kaya't walang dahilan para ito ay aming sukuan..
Ito ay aming malalagpasan..
Basta't ako'y patuloy lang na mananalig..
Dahil palaging nandyan ang ating Panginoon..
At kailanman,ay hindi nya kami pababayaan....

■●You can follow me on my YOUTUBE |Facebook Page For more hugots to share

■● YOUTUBE CHANNEL : https://youtube.com/@LittleBit01

■●FACEBOOK PAGE :

■●REMEMBER TO SUBSCRIBE FOR MORE
♡ GOD BLESS YOU ALL♡\n■●THANKS PO 🥰🥰🥰

Music Produce By: https://youtu.be/WnUwK4mWPUM

#poetrytagalog #spokenwordtagalog #poetryinstrumental #lovepoetry







Tags:
poetry tagalog
spoken word tagalog
spoken word
poetry
tula
instrumental poetry
hugot poetry
english poetry