INA | SPOKEN WORD | POETRY TAGALOG | BY MHAY | LITTLE BIT | WALANG KATULAD NAG IISA KA LANG INA'Y

Channel:
Subscribers:
1,630
Published on ● Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=Bd5b2015qCg



Duration: 2:54
12,006 views
0


■●TITLE: "INA"
| Hugot spoken Word | tagalog| Inspirational |
            ■●BY: Little Bit●■

                       "INA"
Tatlong letra,pero nag-iisa..
Nag-iisang tao na nagdala sa akin ng siyam nq buwan,mula sa kanyang sinapupunan..
Hanggang sa ako ay kanyang isilang..
Ang lahat ng hirap at sakit ay naibsan..
Mula ng ako'y kanyang masilayan..
Ang lahat ng takot at pangamba ay nawala,mula ng kanyang marinig ang aking pag-iyak..
Pagka't ang kanyang paghihirap na naganap..
Ay nagbunga ng galak..
Para sa akin na kanyang anak..
Kahit na mahirap ay kanyang hinarap..
Para aking malasap..
Ang pagmamahal nyang walang katulad..
Handang ialay ang kanyang buhay,para lang ako ay mabuhay..
At nang aking masilayan ang mundong makulay..
Ang mundong aking tatahakin,habang sya sa akin ay naka-alalay..
Mula ng una kong pagdapa,pag-upo at pagtayo..ay palagi syang naka gabay..
Walang mapag-sidlan ang kanyang saya,mula ng kanyang marinig ang salitang "MAMA"..
Di maipinta ang kanyang nadarama.
Pagka't siya na aking ina,ay akin nang nakilala..
Di sapat ang salitang salamat..
Para sayo aking ina.. ang nararapat..
Pagka't ang ibinigay mong pagmamahal sa akin ay walang katulad..
Ang pag-aaruga mo sa akin ay wagas..
Kaya't ako'y lubos na nagpapasalamat..
Pagka't meron akong isang tulad mo ina..
Ina,na handang ibigay sa akin ang lahat..
Lahat ng sakripisyo,para sa magandang kinabukasan ko..
At maging isa akong mabuting tao..
Walang sinuman ang makakapantay..
Walang sinuman ang makakahigit sayo..
Mahal kong ina..
Pagka't wala kang katulad..
Kaya't walang hanggang pasasalamat..
At walang hanggang pagmamahal..
Ang aking iaalay..
Para sa nag-iisa kong ina..
Na nagmamahal sa akin ng tunay....

■●You can follow me on my YOUTUBE |Facebook Page For more hugots to share

■● YOUTUBE CHANNEL : https://youtube.com/@LittleBit01

■●FACEBOOK PAGE :

■●REMEMBER TO SUBSCRIBE FOR MORE
           ♡ GOD BLESS YOU ALL♡
■●THANKS PO 🥰🥰🥰

Music Produce By: https://youtu.be/T_YavAxURAs

#poetrytagalog #spokenwordtagalog #poetryinstrumental #lovepoetry







Tags:
Spoken Word
poetry tagalog
spoken word tagalog
tagalog poetry
instrumental poetry
love poetry
hugot poetry
tula
makata
free music background
little bit