SINO ANG DAPAT SISIHIN | SPOKEN WORD | POETRY TAGALOG | BY MHAY | LITTLE BIT

Channel:
Subscribers:
1,630
Published on ● Video Link: https://www.youtube.com/watch?v=n94Ew70KzPg



Duration: 2:50
71 views
0


■●TITLE: "SINO AND DAPAT SISIHIN"
| Hugot spoken Word | tagalog| Inspirational |\n ■●BY: Little Bit●■

"SINO AND DAPAT SISIHIN"
Kaysarap pagmasdan
Magandang kabundukan..
Kaysarap lasapin,ng sariwang hangin..
Kaysarap tignan,ng mga puno at mga halaman..
Iba't-ibang kulay ng mga bulaklak,ang namumukadkad..
At ang malinis na tubig sa ilog, at mga isdang malayang lumalangoy mula rito..
Kasabay ng mga batang masayang nagtatampisaw..
Ngunit bakit tila naglaho ang mga ito..
Ang dating magandang kabundukan ay unti-unti nang nakakalbo..
At ang dating sariwang hangin,ay di mo na gugustuhing lasapin..
Ang mga puno at halaman,na unti-unting nababawasan..
Ang mga bulaklak na tila napagod na sa pamumukadkad..
At ang dating malinis na tubig sa ilog,ay napuno na ng basura..
Basura na nagmula sa taong walang disiplina..
Nasaan na ba ang ating disiplina?..
Disiplina para sa ating kalikasan..
Ang ating kalikasan na imbis na mapaganda,ay lalo pang nagiging hindi kaaya-aya..
Yan ba ang gusto nyong madatnan ng mga darating pang kabataan?..
Dyan nyo ba gustong mamulat ang mga bata?..
Ang simpleng disiplina,ay hindi natin magawa..
Yan ba ang gusto nyong kanilang tularan?..
Di ba't hindi magandang ito ay kanilang makasanayan..
Dapat na ituro natin ang tamang disiplina..
Upang matutunan nila,kung paano mahalin ang ating kalikasan..
Kung paano ito iingatan..
Pagka't ito ay nilikha ng ating Poong Maykapal..
Ito ay ibinigay sa atin,upang ito ay ating pahalagahan..
Kaya't nararapat lang na ito ay ating pangalagaan.....


■●You can follow me on my YOUTUBE |Facebook Page For more hugots to share

■● YOUTUBE CHANNEL : https://youtube.com/@LittleBit01

■●FACEBOOK PAGE :

■●REMEMBER TO SUBSCRIBE FOR MORE
♡ GOD BLESS YOU ALL♡\n■●THANKS PO 🥰🥰🥰

Music Produce By: https://youtu.be/3m8VdhXDafw

#poetrytagalog #spokenwordtagalog #poetryinstrumental #lovepoetry







Tags:
spoke word tagalog
poetry tagalog
instrumental poetry
love poetry
hugot poetry
tula
makata